Confession: I am a "Nagger Ate" at home

(Convo with my Brother)
Bunso: Ate, kelan ka mag-aaply?
Me: Pagka-graduate ko.
(After graduation)
Bunso: O ate, graduate ka na kelan ka mag-aapply?
Me: Pagtapos ng English training ko?
(After English training)
Bunso: Tapos na training mo 'te, kelan ka mag-apply?
Me: Pagtapos ng Japanese cuisine training ko.
(After Japanese cuisine training)
Bunso: Ate, kelan ka ba talaga mag-aapply?
Me: Patapusin mo muna board exam ko.

(After Board Exam)
Bunso: O ate, tapos na board exam mo, kelan ka mag-aapply?
Me: Papahingahin mo lang akong konti, mag-apply rin ako.
        Teka, bakit ba lagi ka nagtatanong?
Bunso: Eh, pano yan te', baka next year wala na ko trabaho, 
na-assign ako sa ibang department baka di ma-renew ang contract ko.
Me: (here's comes the nagger Ate)
"Yan yan na nga ba sinasabi ko kaya paulit ulit ako nagsasabi na
mag-ipon at paghandaan yang ganyang problema.
Alam mo na posibleng mawalan ka ng trabaho, di ka naghahanda.
Ano panggastos mo pag nawalan ka ng trabaho?
Pati pagbabayad ng utility bills ako na naman lahat.
Bago ko nawalan ng trabaho, nakaplano ako. Hindi pede ang ganyan, ilang taon ka na ba?
maging responsable ka naman sa buhay...etc. etc. etc......"
Bunso: Hay si ate, nag litanya na naman,...sige na ate pasok na ako sa trabaho, bye.

My mother looked at me and I just said, "Hinahigh blood na ako dyan sa mga anak mo Ma?
Ako lang ba dito sa bahay ang ganito ka-paranoid pag may mawawalan ng trabaho., noon si Kuya ngayon naman tong isa."
          I hate to admit that I am that kind of Ate in our house. Well, what can I do I have to. At times I felt that I am the only one who worries a lot over the possible financial problems that may arise. It is one of the reasons also why I decided to stay home and not look for a job. I want them to feel the real life situation today and not the fancy & luxury of malls of this modern day era. It's hard to mold their minds even if they are part of the family but I still try and hope that they will change.

          Life today is getting harder and more complicated as compared to the past and simple life we had before. I always remind my brother that "you cannot do something about your past but you can always prepare for your future" and that I think is what I want my brothers to realize and I hope they  will  soon.

How bout you?
Do you have that same kind of experience with your family?
Till then. Have a great day!

4 comments:

  1. Hi Grace, oo ganyan na ganyan talaga ako. Haha. Eldest din kasi ako at yung mga kapatid ko ayun nung nagkawork puro gala ng gala. Happiness daw nila yun pero kapag wala ng mga pambudget/pamasahe sa akin pumupunta. Sa totoo lang mahirap yung nasa situation na ganito na nakadepende sa anak yung mga magulang at yung mga siblings mo naasa din sayo kapag may financial crisis sila which is ganun yung case ko. Haaaay. Iniisip ko na lang na darating ang araw na magbabago din sila basta di ako titigil kakatalak sa kanila about save, save, save! Magkaroon sana ng himala. Hahahaha. Congrats pala on passing your board exam. Ayiii!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan din mga kapatid, travel goal talaga sila at gastos sa mall, pag wala na pera, "Ate, pautang" tapos kukunsensyahin ka ng nanay mo pag di mo tinulungan. Ngayon pinipilit ko yung isa kong kapatid mag-ipon talaga at pag nawalan ng trabaho kargo ko naman lahat sa bahay.
      Wala pa result sa board exam,at di talaga ako confident na papasa ako, heheh...basta kung ano God's will tanggap ko, ang sa akin atleast sinubukan ko.

      Delete
  2. Hi Grace, why don't you try teaching English online. I think it's a good opportunity for you. Congrats on passing the board exam. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Option ko rin nyan, kaso problema ko internet namin, nakakabit lng ako sa wifi kaso ang bagal talaga. Thanks sis, pero wala pa result ng board exam, heheh...

      Delete