Everything is Set.....(Tagalog Time)

Biyernes - September 19, 2014.Gumising ako ng 6:30 ng umaga.
 Kumuha ng tuwalya at bumaba para maligo @ 7:00 am.
Nagtimpla muna ng kape at tumabi sa tatay ko sa sala habang nanonood ng balita.


“O ano, papasok ka pa, kaliwa’t kanan na ang baha?” tanong ng nanay ko.
"Narinig mo ang balita – may bagyo at habagat ngayon, lalakas pa yan mamaya."( Kambal – Bagyong Mario at habagat ).
"Anak, baha na ang mga dadaanan mo nyan?" sabi ng tatay ko.
"Ok lang po, kaya ko naman sumugod sa baha, shorts & tsinelas na lang ang isusuot ko."
"Wag ka ng pumasok anak – mahihirapan ka ng umuwi nyan mamaya."
"Papasok po ako sayang ang araw ko."
Naligo, nagbihis at nag-prepare ng baon.
Dalawang pritong galunggong at kamatis plus isang crossini tinapay for meryenda.
Nakaplastic na ang uniform ko para di mabasa pagsugod sa baha at ulan.

EVERYTHING IS SET, 8:00 am papasok na ko.....Kaya lang----
"Paano ako papasok?"Panigurong lampas baywang na ang baha sa mantrade.
Alternative route sa Ayala walang baha kaso yung dadaanan papuntang sakayan ng Ayala baha din.
Okay, bahala na papasok pa rin ako, paglabas ko ng bahay nakasalubong ko hipag ko.
"Hay naku ate, Isa’t kalahating oras na ko nakapila wala pa ring jeep pa-tulay na dumadating."Okay, balik ng bahay. Laking tuwa pa ng nanay ko, heheh……

Ito ang common scenario ng mga daily wage earners na tulad ko. Kailangan magtrabaho araw araw para kumita " No work no pay ika nga" pero walang magagawa kung ganito ang sitwasyon. Buti na lang me konting sideline pa ako sa bahay, gumagawa ng basahan habang nanonood ng TV.
Pero kung nanood kayo ng TV mas nakakalungkot ang sitwasyon ng iba, napakaraming apektado ng pagbaha sa Quezon City, ang mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig sa Marikina River, at ang pagsisiksikan ng mga na-rescue sa evacuation center.
At kahit na may malawakang pagbaha sa ibat ibang parte ng Pilipinas, may mga nagtatampisaw, nakangiti at nagsasaya pa sa baha……

Pilipino nga naman,
Nakukuha pang magsaya at ngumiti kahit nahihirapan.
Common Scenario ang bagyo at baha sa atin,
Kaya lang patuloy ang paglala nito sa bansa natin.
Sana magkaron na ng solusyon,
Para sa bawat bagyong dumating ay napaghahandaan natin.

No comments:

Post a Comment